Lacson1

Lacson: ‘Homegrown traitors’ ipagpapalit PH para sa sariling interes

184 Views

NAGBABALA si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na may mga banta sa soberanya o “homegrown traitors” na mula mismo sa loob ng bansa, kabilang ang mga Pilipinong handang ipagpalit ang interes ng bayan para sa pansariling pakinabang.

Tinawag ni Sen. Lacson na “homegrown traitors” ang mga banta sa sariling bayan at kasama dito ang technical intelligence na binubuo ng mga karaniwang impormasyon tungkol sa geopolitics.

“In geopolitics, the most common sources of information are technical intelligence and homegrown traitors who are willing to sell their country in exchange for what’s in it for them,’” sabi ni Lacson.

Lumabas ang pahayag ng sensor sa gitna ng tumitinding talakayan sa Senado hinggil sa tindig ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Uminit ang diskusyon matapos ang isang pagdinig kung saan iminungkahi ni Sen. Rodante Marcoleta na isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands dahil nasa labas ito ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Iginiit ni Marcoleta na hindi nagkakaroon ng sariling EEZ ang ilang bahagi ng KIG at iminungkahi na ang pagtalikod dito ay magpapadali sa pagmamapa at opisyal na pagdeklara ng saklaw ng WPS.

Mariing tinutulan ni Lacson ang mungkahing ito.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments noong nakaraang linggo, muling kinontra ni Lacson ang panukalang talikuran ang KIG sa pamamagitan ng pagbanggit sa matagal ng legal na prinsipyo na sumusuporta sa pagmamay-ari ng Pilipinas sa lugar.

Binanggit din ni Lacson na may mga pamilyang Pilipino na kasalukuyang naninirahan sa KIG, isang bayan sa Palawan na kanyang binisita noong 2021.