Lacson

Lacson kokontra sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara ng walang pahintulot ng Pangulo

10 Views

SINABI ni Sen.-Judge Panfilo “Ping” Lacson na boboto siya laban sa pagbubukas ng tax records ni Vice President Sara Duterte kung bubuksan ang “green box” ng Bureau of Internal Revenue ng walang nakasulat na awtorisasyon mula sa Pangulo.

Ang pakikibahagi sa naturang hakbang ay lalabag sa Sections 71 at 270 ng National Internal Revenue Code at sa jurisprudence ng Korte Suprema.

“Kung pilit i-unseal without written authority of the President, I will vote against it,” sinabi ni Lacson.

Nakatakdang dinggin ng Impeachment Court ang mga argumento sa mga kahilingan para sa mga rekord mula sa BIR, Anti-Money Laundering Council at mga bangko kaugnay ng impeachment trial ni Duterte.

Dapat sundin ng korte ang mga rekisito ng batas sa pagkuha ng mga rekord.

“Maski korte kami, hindi kami pwedeng lumabag sa batas kasi magiging questionable,” aniya.

Hindi iyon dapat makaapekto sa pagtalakay ng korte sa usapin, ayon sa senador.

“That is not my concern. That should not be the concern of the Court. Bahala sila doon,” sinabi niya.

Hindi pa nagpapasya ang Impeachment Court kung maaaring buksan at gamitin sa paglilitis ang mga hinihinging rekord.