Lagrisola Lagrisola: Bagong GAB Commissioner.

Lagrisola bagong GAB commisioner

Ed Andaya Mar 4, 2022
437 Views

BAGAMAT ilang buwan na lamang manunungkulan, si dating Lian, Batangas Vice Mayor Raul Lagrisola ang naatasan na magsilbing bagong commissioner ng Games and Amusements Board (GAB)

Inanunsyo nina GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra at Commissioner Eduard Trinidad ang pagkakapili ni Presidente Duterten kay Lagrisola batay na din sa appointment letter nito mula Office of the President nung Feb. 28.

Binigyan din nina Mitra, Trinidad at iba pang mga employees ng naturang government sports agency ng maiinit na pagsalubong si Lagrisola ss pagdating nito sa sa main office ng GAB sa Makati nung Miyerkules ng umaga.

Nagpasalamat naman si Lagrisola sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GAB, sa pangunguna ni Mitra

“With the exemplary experience of Comm. Raul both in his public and private careers, I am sure that he will bring valuable contributions to the agency, ”pahayag ni Mitra sa isang official statement na kanyang ipinadala sa People’s Tonight.

Pinalitan ni Lagrisola si Commissioner Mar Masanguid, na nagbitiw sa kanyang tungkulin upang tumakbong mayor ng Davao Oriental.

Si Lagrisola ayy manunungkulan bilang GAB commissioner hanggang Hunyo 30 kasabay ng pagtatapos ng termino ni President Duterte.

Gayunman, inaasahang magiging abala ang pagsisilbi ni Lagrisola sa GAB matapos tuluyang ilagay ng pamahalaan ang Metro Manila at iba pang karatig na lugar sa Alert Level 1.

“With most professional sports back in action and fan attendance back to full capacity, we expect more work to do at GAB to fulfill our mandate to supervise and regulate,” paliwanag ni Mitra.

“Of course, we have to continue to be vigilant to ensure that all health and safety protocols during live games are followed. Gaya nga ng lagi nating sinasabi ngayong panahon ng pandemic, it’s OK to be OA,” dagdag pa niya.