Calendar
Laguna MWP nakorner sa manhunt operation
KAMPO BGEN VICENTE LIM, Canlubang , Laguna – Arestado ang Most Wanted Person (MWP) sa Laguna sa manhunt operation ng pulis Calamba noong Martes, Enero 21, 2025, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Director PCol. Ricardo I. Dalmacia kay PRO4A Calabarzon Regional Director BGen. Kenneth Lucas.
Kinilala ni Dalmacia ang akusado na si alyas L.A., residente ng Calamba City, Laguna.
Sa ulat ng Calamba Component City Police Station sa pamumuno ni PLt.Col. Victor M. Sobrepena, OIC, nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation dakong 11:35 ng umaga sa Brgy. Real, Calamba City,na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing akusado.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 8, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, ng Calamba City Laguna na nilagdaan ni Presiding Judge Alvin Bugayong Tanguanco.
Nahaharap ang akusado sa kasong acts of lasciviousness na pinaparusahan sa ilalim ng Art. 336 of the RPC in relation to sec 5(B) of RA 7610 (2 counts).
Inirekomenda ang piyansang P 180,000 kada kaso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korte na pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkakaaresto ng akusado.
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan sa ating mga kapulisan ay nagiging mas mabilis ang pagkakaaresto sa mga nagtatago sa batas ito’y patunay lamang na kapag nagtulungan ang mamamayan at kapulisan ay mapapanatili natin ang kapayapaan at kaligtasan sa ating pamayanan,” saad ni PD Dalmacia. Kasama si. Gil Aman