Lakas ng bagyong Inday nananatili

15 Views

NAPANATILI ng bagyong Inday ang lakas na taglay habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa silangan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 780 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 205 kph.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands at hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan.

Nakataas ang Signal No. 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan, Isabela, hilagang-silangang Quirino, Apayao, hilagang Abra, Kalinga, silangang Mountain Province, silangang Ifugao, Ilocos Norte, hilagang Aurora at hilaga at gitnang bahagi ng Catanduanes.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.