Calendar
Kaban ng PH nadagdagan ng P1.2B galing sa CAAP
NAG-remit ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng P1.2 bilyon sa kaban ng bayan ng pambansang pamahalaan bilang patunay ng maayos na pamamahala sa pananalapi.
Tinanggap ni CAAP Director General Raul Del Rosario ang pagkilala mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) Day sa Malacañang Palace noong Hulyo 8.
Kabilang na ang CAAP sa “Billionaires’ Club” ng pamahalaan—isang parangal na ibinibigay sa mga GOCC na nakapag-remit ng hindi bababa sa P1 bilyon sa National Treasury.
“Habang patuloy nating pinauunlad ang sektor ng aviation sa bansa at pinananatili ang pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan at kahusayan, kasinghalaga rin ang aming pagsisikap na ang magandang resulta sa pananalapi ay direktang nakatutulong sa pambansang kaunlaran at sa bawat Pilipino,” ani Del Rosario.
