DOT

DOT tinanggap delegado sa TMAC ’26

Jon-jon Reyes Jul 9, 2026
23 Views
DOT1
Bilang bahagi ng hospitality program ng Department of Tourism (DOT), nagsagawa ang ahensya ng tour sa Intramuros para kay Nobuhiro Tamiya, ang pangulo ng Tamiya, Inc.

TINANGGAP ng Department of Tourism (DOT) ang mga delegado mula sa iba’t-ibang bansa sa Asya para sa Tamiya Mini 4WD Asia Challenge (TMAC) 2026.

Ang pagbabalik ng championship nagtatampok sa lumalakas na reputasyon ng bansa bilang pangunahing destinasyon para sa MICE (Meetings, Incentives, Conferences and Exhibitions).

Ang humigit-kumulang 200 sa mga mini 4WD racer sa Asya mula sa Japan, Singapore, Malaysia, China, Taiwan, Thailand, Vietnam, Indonesia, Hong Kong, Cambodia, South Korea, United Arab Emirates (UAE) at Pilipinas.

Ang tampok na bahagi ng kaganapan ay ang TMAC 2026 Awards Ceremony na dinaluhan ni Nobuhiro Tamiya, Pangulo ng Tamiya, Inc., na personal na nag-abot ng mga parangal sa mga nangungunang Mini 4WD racer ng Asya.

Nakuha ni Pei Chenglong ng China ang unang puwesto, habang ang dalawang Pilipinong mini car racer na sina Francis Jason Maaño at Miguel Masindo ay nagwagi ng ikalawa at ikatlong puwesto.

Nakuha ni Joomyung Koh mula sa South Korea ang ika-apat na puwesto, at si Krishpong Chompudang ng Thailand naman ang nasa ikalimang puwesto.

“Practical aspects such as accessibility and quality facilities are certainly important. At the same time, the welcoming spirit of the local people is equally essential.

Creating an environment where participants feel comfortable and want to return is the key to a successful international event. I believe the Philippines truly has that appeal,” sabi ni Mr. Tamiya.

Nagsagawa ang DOT ng espesyal na tour sa Intramuros para kay Tamiya at kanyang grupo.

“I hope all participants from around the world will take the opportunity to experience the many wonderful aspects of the Philippines,” sabi niya.

Sinabi ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na ipinapakita ng TMAC 2026 kung paano binabago ng mga espesyal na kaganapang MICE ang pandaigdigang paglalakbay at lumilikha ng mas malalim na ugnayang pang-ekonomiya.

“Special interest MICE tourism is one of the fastest-growing segments of global travel because it brings together communities united by a shared passion,” sabi ng kalihim.

Ang pagbisita ni Tamiya ay nagbibigay-diin din sa matagal ng ugnayan ng Tamiya, Inc. sa Pilipinas.

Ang kumpanya ay nagpapatakbo ng pasilidad sa Cebu, ang tanging lugar ng produksyon nito sa labas ng Japan.

“I would describe the Philippines as a country whose greatest treasure is its people,” ayon kay Tamiya.