Calendar

Lalaki dinampot sa pag-iingat ng baril, droga sa Batangas
NADAKMA noong Martes ng mga kapulisan ang isang lalakeng nag-iingat ng mga baril at shabu sa Brgy. Calantas, Rosario, Batangas.
Hindi na nakaporma ang suspek na kinilalang alyas Manolo na sasampahan ng mga kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Vipaglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa bisa ng isang search warrant na inisyu Acting Judge Josephine Castillo Garcia-Borbon ng Municipal Trial Branch, ng Rosario, Batangas noong Abril 29, 2025.
Nakumpiska ang isang Llama 32 Cal. may SN 5891; magazine at mga bala para sa cal. 32; Remington cal. 45 na may serial number SN 731962; dalawang magazine at 1o bala para sa cal. 45; isang cal. 22 walang derial number, dalawang magazine at mga bala para sa cal. 22; supot, brown na leather clutch bag; pitong piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na lahat ay naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.70 gramo at may presyong P4,760.
Ang mga piraso ng ebidensyang nakuha ay wastong minarkahan at inimbentaryo sa lugar kung saan isinagawa ang operasyon sa presensya ng media, mga opisyal ng Barangay at ng suspek.
Nasa kustodiya na ngayon ng Rosario MPS ang suspek para sa tamang disposisyon.