Posas

Lalaki na may boga, droga nasilo

19 Views

PADRE GARCIA–Nadakma noong Huwebes ng mga otoridad ang isang suspek sa pag-iingat ng shabu at baril sa Sitio Ilaya, Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas.

Nalambat si alyas Marilyn ng joint personnel ng Padre Garcia police para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 base sa warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Leo-John P. Ramos ng Regional Trial Court Branch 85, Lipa City, Batangas

Nakumpiska mula sa kanya ang isang bag na naglalaman ng cal. 45 pistol, bala, magazine para sa cal. 45, wallet, itim na net bag, P38,355 at 0.5 na gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P3,400.

Hiningi ng mga otoridad ang mga kaukulang dokumento ng nakumpiskang baril ngunit bigo ang suspek na maipakita ito.

Ang suspek nasa kustodiya ng padre Garcia police.