Posas

Lalaki nagbitit ng baril, bala arestado

7 Views

ISANG lalaki ang naaresto ng mga pulis noong Linggo dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala sa Brgy. Libato, San Juan, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto R. Malinao, Jr.

Dakong alas-3:00 ng hapon nagsilbi ng search warrant ang San Juan police laban sa suspek na si alyas Virgilio para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act) na inisyu ni Nevic Adolfo, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 83, ng Tanauan City, Batangas.

Dalawang magazine ng cal. .45 na may tig-anim na bala para sa cal. 45, 14 na bala ng cal. 38, at tatlong bala para sa cal. 45 ang nakuha sa loob ng sling bag, isang gun holster, isang 9mm Norinco pistol, magasin na may 11 bala para sa 9mm, gun holster at itim na sling bag, lighter, improvised na panlinis na hinihinalang may mga labi ng methamphetamine hydrochloride (shabu) at aluminum foil na hinihinalang naglalaman ng shabu.