Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Crime

Lalaki, naglaro sa computer shop, pinagsasaksak ng mag-ama, tepok

1043 Views
Crime1
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga kapulisan kaugnay sa mag-amang suspek. Ang biktima ay idineklarang patay habang sumasailalim sa medikal na paggamot.

PATAY ang isang 46-anyos na binata na naglalaro ng games matapos pagsasaksakin ng mag-amang suspek sa loob ng isang computer shop sa kahabaan ng GK Compound Brgy 105, Tondo Manila, Lunes ng umaga.

Nakilala ang bikitma na si alyas Jon Jon, 46.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na nakilalang sina alyas Jeffrey, 49, at Jeff, 25, kapwa nakatira sa Rosal St., Maligayang Lupain, Brgy 105.

Ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide Section, bandang 11:03 ng umaga nang mangyari ang krimen,

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya batay sa salaysay ng mga saksi na naglalaro ng computer games ang biktima nang biglang lumitaw ang mga suspek na armado ng patalim at walang kaabog abog na pinagsasaksak ang binata sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi natukoy na lokasyon bitbit ang ginamit na mga patalim.

Ang biktima ay isinugod sa Gat Andres Hospital para sa medikal na atensyon na dinaluhan ni Dr. Rachel Koon.

Idineklarang patay ang biktima habang ginagamot.

Napag-alaman ni PMSg Roderick Magpale, ng MPD Homicide Section, na bago umano ang pananaksak sa biktima ay sinisingil ito ng suspek sa kanyang utang.

Ipinabarangay pa umano ang biktima subalit hindi ito sumipot.

Napag-alaman ng mga suspek na naglalaro ang suspek sa computer shop kung kaya’t sinugod ito at pinatay.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Smokey Mountain PCP para sa pagkakaaresto sa mga suspek.