Kulong

Lalaki nasilo sa 5 kaso ng kalaswaan sa batang babae

Edd Reyes Jun 14, 2025
21 Views

KINALAWIT ng mga pulis ang 49-anyos na lalaking ilang ulit gumawa ng kalaswaan sa batang babae noong Biyernes sa Valenzuela City.

Nahuli ang akusadong si alyas Apollo sa Barangay Malinta dakong alas-2 ng hapon, ayon kay Northern Police District Chief P/BGen. Josefino Ligan.

Hinuli ang suspek ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela Police Station sa tulong ng arrest warrant galing kay Malabon City Family Court Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Branch 4.

Inaresto siya sa kasong limang bilang ng lascivious conduct sa ilalim ng Section 5 (b) ng Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nakapiit sa custodial facility unit ng Valenzuela police si alyas Apollo habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglipat sa kanya sa Malabon City Jail.