Tondo Ipinahayag ni PMajor Dave Garcia ang ginawang pagsisiyasat ng imbestigador sa mga labi ng biktima. JONJON C. REYES

LALAKI PINAGBABARIL NA  PINAGSASAKSAK PA SA TONDO, DEDO

Jon-jon Reyes Nov 10, 2026
43 Views

Tondo1Tondo2PATAY na nang dumating sa pagamutan ang 38-anyos na lalaki na pinagbabaril at pinagsasaksak ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay pinaslang sa tapat ng R&G Repaint Garage, 1001 New Antipolo Street, Barangay 217, Tondo.

Nakilala ang biktima na si alyas “Jayson” residente ng New Antipolo Street.

Ayon kay Police major Dave Garcia, chief ng Homicide Section ng MPD, bandang 3;30 ng madaling araw nang maganap ang krimen.

Batay sa paunang imbestigasyon, ipinahayag ng saksi na si alyas “Zarah Jean,”42, kinakasama ng biktima, nakarinig siya ng mga putok ng baril mula sa malapit sa kanyang kinaroroonan.

Nang kanyang usisain, nakita ng suspek ang biktima na naliligo sa sariling dugo, nakahandusay sa lupa at may mga sugat at tama ng baril,

Agad humingi ng tulong ang saksi sa mga taong nasa paligid, at mabilis na dinala ang biktima sa Ospital ng Tondo.

Sa kabila ng pagsisikap na iligtas ang biktima, idineklara ng doktor na si Dr. Aida Ico na pumanaw na ang biktima humigit-kumulang 4:48 ng madaling-araw noong ika-9 ng Nobyembre, 2026.

Nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga operatiba ng MPD-FU SOCO sa pamumuno ni PMaj.Michael P. Jabel sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa impormasyon at mga dokumentong nakuha mula sa ospital, nagtamo rin ang biktima ng mga saksak sa tiyan at likuran.

Kasalukuyang isinasailalim sa mas malalim na imbestigasyon ang insidente.

Nagsasagawa rin ng follow-up operation ang mga pulis, upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin, malaman ang mga pangyayaring may kaugnayan sa insidente, at mapadali ang pagtukoy, paghahanap, at pag-aresto sa kanila.

Samantala sa pamamagitan ng agarang pagresponde at follow-up operation ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct (PCP), naaresto ang isa sa suspek.