SEN. LITO LAPID KINILALA AMBAG NI KA FREDDIE SA PH
May 28, 2025
E-TRIKE DRIVER ARESTADO SA KASONG MURDER ng MPD
May 28, 2025
Nega epekto ng EDSA rehab hiniling iwasan, bawasan
May 28, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki tiklo sa droga, boga
Jojo Cesar Magsombol
Apr 29, 2025
74
Views
NADAKMA noong Martes ng mga pulis ang isang lalakI dahil sa pag-iingat ng baril at shabu sa Sitio Silangan, Brgy. Balaytigue, Nasugbu, Batangas.
Ang suspek, si alyas Reynaldo, naaresto bandang alas-12:32 ng madaling araw ng mga tauhan ng Nasugbu police Station sa tulong ng search warrant para sa paglabag sa RA RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Nakumpiska ng mga otoridad sa suspek ang isang caliber .22 rifle, 17 bala para sa cal. .22; isang Springfield Armory caliber .45 pistol, itim na holster, dalawang magazine para sa kalibre .45, 10 bala para sa kalibre .45 at aluminum foil na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.