MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki tiklo sa P374K shabu, iligal na boga sa Cabanatuan
Steve A. Gosuico
Apr 14, 2025
87
Views
CABANATUAN CITY–Nasakote ang 44-anyos na lalaki dito dahil sa shabu na nagkakahalaga ng P374,000 at hindi lisensyadong cal .38 na baril noong Linggo.
Kinilala ni Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya, ang suspek na si alyas Boris, 44, ng Tierracon Homes 1, Block 10 Lot 4, Bgy. Bangad, Cabanatuan City.
Ikinasa ang buy-bust sa Purok Fortaleza, Brgy. Bangad dakong alas-12:05 ng madaling araw.
Sinabi ni Morales na nakabili ang isang police poseur-buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 kaya naaresto ang suspek at nakuha ang shabu na tumitimbang ng 55 gramo at isang baril.
Samantala, sa Palayan City isa pang 61-anyos na drug suspek ang nasakote noong Linggo.
Karpintero at binata ang suspek na taga-Brgy. Atate, Palayan City.
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025