Lalaki

Lalaki tinarakan, ligtas sa kamatayan

234 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan noong Biyernes ang lalaking pinagsasaksak ng nakaalitan niya sa inuman sa Brgy. District I, Lemery, Batangas.

Nakilala ng mga pulis-Lemery ang biktima na si alyas Norie, 36, habang ang suspek kinilalang si alyas Junjun.

Pagtanggap ng report tungkol sa pananaksak, nagreresponde ang mga pulis sa lugar kaya nahuli ang suspek na nagtangka pang umiskerda.

Base sa imbestigasyon habang umiinom ang suspek at isang kaibigan sa harap ng kanilang tirahan, dumating ang lasing na biktima.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa away. Kinuha ng suspek ang isang kutsilyo mula sa kanyang motorsiklo at pinagsasaksak ang biktima sa kanang braso at dibdib.

Nakakulong sa Lemery custodial facility ang suspek.