Calendar

Lalaking may kasong panghahalay, pang-aabuso nasilo sa Las Pinas
NATIKLO ng mga pulis ang 44-anyos na lalaki na suspek sa anim na counts ng panghahalay noong Biyernes sa Las Piñas City.
Ikinasa ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Argulles ang pagdakip kay alyas Aris sa Phase 3 CAA, Las Piñas nang humingi ng tulong ang mga tauhan ng San Fernando City Police Station matapos matanggap ang impormasyong nagtatago sa naturang lungsod ang pugante.
Dakong alas-8:00 ng gabi nang salakayin ang tinutuluyang lugar ni alyas Aris na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Nahaharap ang akusado sa anim na bilang ng panggagahasa at tatlong bilang na child abuse base sa arrest warrant ni San Fernando Pampanga Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Robert Alexander Razon Malig ng Branch 45.
Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa kasong rape habang P108,000 at P80,000 naman ang piyansang inilaan sa kasong child abuse.
“Their policemen’s swift and coordinated action led to the capture of a dangerous fugitive and the advancement of justice for the victims,” sabi ni P/BGen. Argulles.