Calendar
Metro
2 suspek sa panghahalay nasilo sa Navotas
Edd Reyes
May 3, 2025
426
Views
ARESTADO ang dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya noong Biyernes sa Navotas City.
Nadakip ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes si alyas Robin dakong alas-10:00 ng gabi sa Brgy. Tangos North.
Nahuli si alyas Robin sa bisa ng warrant of arrest galing kay Navotas City Family Court Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Branch 9 dahil sa kasong rape.
Nasakote din si alyas Pepeng, 19, dakong alas-4:45 ng hapon sa Judge A. Roldan St., Brgy. San Roque sa kaso ring panggagahasa.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang mga pulis sa pagkakadakip sa dalawang suspek.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

