Suspek

Lalaking nahaharap sa kasong panghahalay tiklo

Edd Reyes Jun 14, 2025
22 Views

LAGLAG sa kamay ng mga pulis ang isang suspek sa panggagahasa noong Biyernes sa Malabon City.

Nagulat ang akusadong si alyas Peter, 40, ng bumungad sa pintuan ng bahay niya sa Brgy. Longos ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan dakong alas-3:00 ng hapon para arestuhin siya bitbit ang warrant of arrest galing sa hukuman.

Inilabas ni Malabon City Family Court Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Branch 4 ang dalawang warrant of arrest laban kay alyas Peter para sa kasong rape by sexual assault at rape with sexual assault.

May inirekomendang piyansa na 200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakapiit na sa custodial facility ng Malabon police station ang akusado.