Landbank naglagak na ng P50B sa MIF

181 Views

NAGLAGAK na ng P50 bilyon ang Landbank of the Philippines sa Bureau of Treasury (BTr) bilang ambag nito sa inisyal na kapital ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ginawa ito ng Landbank alinsunod sa Republic Act No. 11954.

Ang MIF ang kauna-unahang sovereign fund ng bansa at layunin nito na makalikom ng pondo para mapondohan ang mga malalaking proyekto sa bansa.

Bukod sa Landbank maglalagak din ng pondo sa MIF ang Development Bank of the Philippines (P25 bilyon) at national government (P50 bilyon).

Ang dibidendo naman ng gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas na nagkakahalaga ng P31.85 bilyon ay ilalagak din sa MIF.