BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026
Calendar
Provincial
LANDSLIDE SA BAGUIO-BONTOC ROAD,WALANG NAPURUHAN
Zaida Delos Reyes
Oct 2, 2026
150
Views
PANSAMANTALANG isinara sa mga motorista ang Baguio-Bontoc road sa Amlosong , Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province dahil sa landslide.
Batay sa inisyal na ulat ng Benguet Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office o PDRRMO, dakong 4:30 ng hapon nitong Huwebes ay gumuho ang malaking bahagi ng bundok at natabunan ng mga bato at putik ang kalsada.
Wala namang naiulat ng nasaktan o nasugatan sa insidente.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang clearing operation ng mga awtoridad para muling madaanan ang kalsada.
Pinapayuhan ang mga motorista at biyahero na ipagpaliban muna ang mga hindi kinakailangang biyahe papasok o patungo sa lugar.
BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026
