Trahedya sa Benguet mining tunne: 7 dedo sa gas poisining

16 Views

PITO katao ang iniulat na nasawi sa insidente ng gas poisoning sa loob ng isang mining tunnel sa Itogo , Benguet.

Batay sa inisyal na ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga biktima ay pawang mga nagmimina ng ginto sa lugar.

Ayon kay MDRRMO Chief Engr. Cyril Batcagan, ang insidente ay natuklasan ng mga kasama sa trabaho ng mga biktima.

Napag-alaman na pumasok ang mga biktima sa tunnel para magmina ng ginto subalit hindi na bumalik ang mga ito kaya’t nagpasya ang kanilang mga kasamahan na sumunod para alamin kung ano ang nangyari at dito nga ay natagpuan ang mga biktima na wala nang buhay.

Agad namang humingi ng tulong ang mga kasamahan ng mga biktima sa kinauukulan para mailabas ng tunnel ang mga ito.

Sa inisyal na ulat, posibleng nakalanghap ang mga biktima ng toxic gas na naipon sa loob ng tunnel na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.