Lapid

Lapid hinamon mga mag-aaral magsumigasig sa pagaaral biglang tugon sa kahirapan

174 Views

SA gitna Ng matinding kahirapan na kinakaharap Ng maraming Pulipino hinikayat ni Senador Lito Lapid ang mga estudyante na samantalahin ang pagkakataon na mag-aral para sa maganda nilang kinabukasan upang umanoy makaahon SA kalugmukan SA buhay

Ginawa ng Senador ang pahayag sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng 5-storey school building sa Don Honorio Ventura State University sa Apalit, Pampanga kamakailan lamang.

Sinabi ni Lapid na hindi dapat sayangin ng mga kabataang estudyante ang tsansa habang may panahon at pinagsisikapan ng kanilang mga magulang na mag-aral.

“Kung may DHVSU noong araw, baka nakatapos din ako ng pag-aaral sa kolehiyo,” ayon kay Lapid.

Si Sen. Lapid ay nakatapos lang ng High School dahil sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya noon.

“Pag pinag aral kayo ng mga magulang nyo, samantalahin nyo. Wag nyo po hahayaan na sisikat ang araw at lulubog na wala kayong natututunan. Kahit kelan hindi na muling maibabalik kapag lumipas na ang araw na ito,” diin ni Lapid.

Todo pasalamat naman sa Senador at sa Okada Foundation Inc. sina Dr. Enrique Baking, President ng DHVSU, mga estudyante at local government officials ng Apalit, Pampanga.

Sinabi naman ni James Lorenzana, President ng Okada Foundation Inc. na ito ang kauna-unahang gusaling pampaaralan na pinondohan nila.

Naglaan anya ang foundation ng P50-M pondo para maipatayo ang academic building na ito.