Calendar
Las Pinas may libreng tuli program
MAG-aalok ang Las Piñas ng “Oplan Libreng Tuli” mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa mga kabataang lalaki sa Aguilar sports complex sa Brgy. Pilar sa Mayo 16.
Ayon kay Las Piñas City Mayor April Aguilar, bahagi ang pagkakaloob ng libreng tuli sa mga batang lalaki ng layunin nila ni Vice Mayor Imelda Aguilar na bigyang prayoridad ang paghahatid ng libre at magandang serbisyo sa mga Las Piñeros.
Tinawagan ng pansin ng alkalde ang mga mga magulang at mga nagbibinatang Las Piñero na samantalahin ang libreng pagpapatuli hangga’t nakabakasyon pa ang klase.
Ipatutupad ang “first come, first serve basis” sa pagpaparehistro kaya’t hinimok ang mga magpapalista na makipag-ugnayan sa barangay health center sa kanilang mga lugar para sa registration screening.
