P1.3M shabu nakuha sa 2 suspek na tulak

30 Views

KALABOSO ang napala ng dalawang hinihinalang tulak nang mahulihan ng mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust sa Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Ronnie, 22; at John, 24.

Nahuli ang dalawa bandang alas-8:45 ng gabi sa Tomas Morato Avenue corner Scout Limbaga, Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakabili ng P451,000 halaga ng umano’y shabu mula kay Ronnie. Sinenyasan ng pulis ang mga kasamahan niya na naging dahilan ng pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Narekober mula sa kanila ang tinatayang 257.46 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,364,538, mga cellphone, buy-bust money, sobre at isang NMAX na motor.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon kay QCPD Director P/BGen. Randy Glenn Silvio, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.