Leviste1

Lean Levista agarang umayuda sa biktima ng bagyo, namahagi ng 150,000 relief packs sa Batangas

35 Views

LevisteBILANG tugon sa matinding pinsala ng Bagyong Kristine, namahagi si Leandro Legarda Leviste ng higit 150,000 relief packs sa mga residente sa kanlurang bahagi ng Batangas. Layunin nitong tulungan ang mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyo.

Kilala bilang isa sa pinakabatang bilyonaryo sa bansa, mabilis na inorganisa ni Leviste ang relief efforts na nagsimula noong Oktubre 23, 2024.

Binaha at winasak ng bagyo ang mga bayan ng Balayan, Calatagan, Lemery, Lian, Nasugbu, Taal, Tuy, at Calaca. Sa ilalim ng Lingkod Legarda Leviste Foundation, naipamahagi ang relief packs sa lahat ng 284 barangay sa apektadong lugar upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan.

Bukod sa agarang ayuda, sinimulan din ni Leviste ang pamamahagi ng materyales para sa mga bahay na nasira. Mismong mula sa kaniyang sariling pondo ang ginamit para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang probinsya, lalo na’t kulang ang pondo ng lokal na pamahalaan.

Ang relief efforts ni Leviste ay umabot sa mas malaking bilang kumpara sa naipamahagi ng gobyerno. Pinasalamatan siya ng mga lokal na opisyal, kabilang si Mayor Antonio Barcelon ng Nasugbu na nagsabing, “Taos-puso kaming nagpapasalamat kay Ginoong Lean Leviste sa kanyang malasakit.”