Calendar
‘Learn and Play Chess with Datu’ susulong sa ERJHS
ISUSULONG ng ERJHS Alumni Sports Club ang “Learn & Play Chess” kasama sina International Master Idel Datu, FIDE Instructor Chiara Reina Lim-Datu at FIDE Arbiter Rudy Ibañez nsa darating na June 30 sa ERJHS sa Mayon Ave., Quezon City.
Ang two-part activity ay magsisimula sa isang chess clinic para sa mga piling kabataan simula 11 a.m. hanggang 1 p.m na kung saan magbabahagi ng ksnyang mga kaalaman si Datu, na isa ding certified FIDE trainer.
Susundan ito ng isang five-round Swiss system chess tournament, na pangangasiwaan ni NM Ibañez, simula 1 p.m.
Nakataya sa naturang kumpetisyon, na itinataguyod din ng ERJHS, za pangunguna ni Principal Gina L. Obierna, at Philippine College of Advanced Arts and Technology, ang mga mga trophies para sa top three placers at medals para.sacfourth to 10th placers.
Ang Datu “Learn and Play Chess” program ay itinuturing na magandang follow-up sanakalipas na “Isulong Mo with GM Eugene Torre and IM Angelo Young” chess activity na itinaguyod din ng ERJHS Alumni Sports Club sa ERJHS Audio-Visual Room nung May 22.
Mahigit 60 students at alumni amg lumahok sa nasabing aktibidad, na nagsimula sa five-round qualifying tournament at nagtapos sa magkahiwalay na 15-board simultaneous exhibition matches nina Torre atb Young.
Ang nasabing mga chess events ay bahagi din ng mga pagsisikap para anyayahan ang lahat sa nalalapit na 72nd Foundation Day at Grand Alumni Homecoming na nakatakda sa Feb. 23-25, 2024 sa ERJHS quadrangle.