Legarda

Legarda nagpapasuri sa seryosong sakit sa baga –Zubiri

12 Views

MAY “serious lung illness” umano si Sen. Loren Legarda at nagpapasuri, ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri.

“It’s a lung illness,” sinabi ni Zubiri nitong Huwebes.

“So she’s seeking medical attention for that, which needs heavy medication,” aniya.

Hindi tinukoy ni Zubiri ang eksaktong sakit ni Legarda o kung saan ito nagpapagamot.

Sinabi niyang nais nang umuwi ng senador matapos makumpleto ang kanyang mga pagsusuri.

“She wants to come home. She wants to come home as soon as possible. Tatapusin lang niya ang test niya,” ani Zubiri.

Hindi alam ni Zubiri kung palalawigin ang leave ni Legarda. Sinabi niyang ang Senate secretary ang dapat tanungin tungkol dito.

Humingi rin siya ng pang-unawa para kay Legarda habang nagpapagamot ito.

Walang binanggit si Zubiri na petsa ng pagbabalik ng senador sa Senado.