Calendar
Iniabot ni Police Regional Office 3 director Brig.Gene. Rogelio Ponce Penones Jr. ang memento kay bagong Nueva Ecija second district Rep. Mario “Kokoy” Salvador (kanan) sa kanyang courtesy visit sa opisina ng kongresista noong Huwebes. Kuha ni Steve Gosuico
LGUs, parak kailangan ng koordinasyon sa kapayapaan–PRO-3 chief
SAN JOSE CITY–Nagpaalala ang hepe ng Police Regional Office 3 (PRO-3) na upang makamit ang kapayapaan at kaayusan, dapat magtulungan ang mga pulis at local government units (LGUs).
Sinabi ni P/Brig. Gen Rogelio Peñones, hepe ng PRO-3, na inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na punong ehekutibo.
“Lagi nilang tandaan na ang problema ng peace and order, hindi lang ito problema ng kapulisan, ito ay shared responsibility para lalo pang paigtingin ang koordinasyon at palakasin ang kolaborasyon sa mga local chief executives,” sabi ni Peñones.
Nag-courtesy visit kay bagong Nueva Ecija second district Rep. Mario “Kokoy” Salvador sa Brgy. Tulat noong Huwebes ang hepe ng PRO-3 kasama si Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno.
