Yedda

Libo-libong residente binigyan ng ayuda ng Tingog, Speaker’s Office, DOLE

248 Views

Libo-libong residente sa Leyte ang binigyan ng ayuda ng Tingog party-list sa pangunguna nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Avorque Acidre, tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at Department of Labor and Employment (DoLE).

Umabot sa 3,200 residente ng Tacloban, Palo, at Tanaunan ang nabigyan ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ang mga benepisyaryo ay binigyan ng 10 araw na trabaho sa ilalim ng TUPAD program para malinis ang kani-kanilang komunidad.

May 340 benepisyaryo naman ang binigyan ng Sari-Sari Store Packages at 170 ang pinagkalooban ng Bigasan Kabuhayan Packages sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program (ILP).

Ginanap ang pamimigay ng tulong sa People’s Center and Library sa Tacloban City, Leyte noong Sabado.

Naniniwala si Rep. Yedda Romualdez na ang implementasyon ng mga programa ng gobyerno ay makatutulong upang maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Tingog Partylist Director for Community Engagement Mamshie Karla Estrada at DOLE Region 8 Director Atty. Dax Villaruel.