Magsino

Libo-libong supporters ng OFW Party List never say die sa pagsuporta

Mar Rodriguez May 13, 2025
17 Views

Magsino1NEVER say die”.

Gaya ng “battlecry” ng Barangay Ginebra San Miguel – ang sikat at crowd favorite na koponan sa Philippine Basketball Association (PBA), ganito rin ang sigaw ng libo-libong supporters ng OFW Party List sa gitna ng mabigat na labanang kinaharap nito kaugnay sa nakalipas na 2025 mid-term elections.

Ayon kay OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino, hindi bumibitiw ang kanilang mga supporters at volunteers sa pagbibigay ng suporta at tulong para sa kanilang grupo.

Sabi ng kongresista na nakita kasi ng kanilang mga supporters at volunteers ang magandang layunin na kaniyang isinusulong sa Kamara de Representantes para itaguyod ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Pinoy seafarers.

Dahil dito, muling tiniyak ni Magsino na kaniyang ipagpapatuloy sa Mababang Kalulungan ng Kongreso ang pagsusulong ng mga programa at adbokasiya para mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs kasama na dito ang kanilang pamilya.

Pagbibigay diin pa ni Magsino habang ang ibang mga kandidato ay gumastos at gumugol ng napakalaking halaga. Ang OFW Party List umano ay umaasa lamang sa suporta, pananampalataya at pagsisikap ng kanilang mga volunteers.

“While others spent billions. We relied on faith and hard work. We never bought votes, we earned th through integrity and connection,” wika pa ni Magsino.

Naninindigan din si Magsino na tinindigan nila ang kanilang prinsipyo at ang isinusulong nilang plataporma de gobyerno taliwas sa mga ipinupukol na akusasyon ng kanilang mga kalaban.

“We stood firm on principles and clear platform. We did not promise the impossible nor resort to gimmicks. We stayed true to the people,” dagdag pa nito.