HOR

Libro ng house, bukas sa COA – Velasco

189 Views

TINIYAK nitong Miyerkules ni House Secretary General Reginald Velasco na laging bukas ang kanilang libro para sa Commission on Audit (COA).

Ang pahayag ay ginawa ni Velasco, kasunod na rin ng pahayag ni dating Pangulong Duterte na ang Kongreso ang dapat ma-audit dahil madami umano itong itinatagong “pork barrel.”

Sa isang pahayag, sinabi pa ni Velasco na ang House of Representatives, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay may kasunduan kay dating Pang. Dutere na ang mga government expenditures ay magiging transparent at fully auditable.

Paglilinaw pa niya, ang Kamara ay walang anumang confidential at intelligence funds.

Lahat din aniya ng line items sa kanilang budget at isinasailalim rin sa regular accounting at auditing rules and regulations.

“The House has no confidential and intelligence funds. All line items in our budget are subject to regular accounting and auditing rules and regulations. Laging bukas po ang aming libro sa Commission on Audit,” aniya pa.

Base rin aniya sa pinakahuling COA report na inilabas nito lamang Oktubre 2, ang House of Representatives ay walang anumang disallowances at wala ring notice of suspension at notice of charge.

Nangangahulugan lamang aniya ito na pasado sila sa isinagawang auditing ng COA.

“Ibig pong sabihin, pasado kami sa COA audit,” aniya pa.