Rep. Elizaldy Co

Lider ng House Committee on Appropriations pinuri BOC, Rubio sa lagpas sa target na kita

187 Views

“I CONGRATULATE the BOC and it’s new leader Commissioner Rubio for exceeding its revenue target for the first three months of 2023. Needless to say, this is a good first impression from Rubio and a portent of good things to come,”

Ito ang pagpuri ni House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang Bureau of Customs (BOC) matapos lumagpas sa target ang kita nito sa unang quarter ng 2023.

Kumpiyansa si Co na ang magandang ipinakita ng ahensya ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ay tanda ng mga magandang bagay na lalabas sa buong administrasyong Marcos.

Nakakolekta ang BOC ng P213.619 bilyon mula Enero hanggang Marso ngayong taon lagpas ng 8.43 porsyento o P16.6 bilyon sa target nitong makolekta na P197.020 bilyon.

Ang nakolektang P80.133 bilyon ng BOC noong Marso ay lagpas ng 10.86 porsyento o P7.851 sa target nitong P72.282 bilyon.

Sinabi ni Co na ang lagpas na koleksyon ay nangangahulugan na mas maraming magagamit na pondo ang Marcos administration para maipatupad ang mga proyekto at programa nito.

“These extra revenues will go a long way in funding the various programs of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. As the chairman of the House appropriations panel, nothing is more reassuring than knowing that the programs and projects we are allocating money for can actually be funded,” sabi pa ni Co.

Ang nakolekta na lagpas sa target ay magagamit ng gobyerno upang pondohan ang mga programa gaya ng pamimigay ng ayuda sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya at mataas na presyo ng bilihin.

Ayon kay Co susundin ng kanyang komite ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon na sumasaklaw sa seguridad sa pagkain, maayos na transportasyon, mura at malinis na enerhiya, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, at maayos na pamamahala sa pananalapi, at maayos na pagpapatakbo ng gobyerno.

“As congressmen who possess the power of the purse, these points will be on our minds once again when we craft the 2024 General Appropriations Act (GAA) or national budget,” dagdag pa ni Co.

Nauna ng sinabi ni Rubio na ipagpapatuloy ng ahensya ang pagsusumikap upang maging isa sa pinakamahusay na Customs sa mundo.