Tansingco

Wanted na Amerikano inaresto ng BI

Jun I Legaspi Apr 3, 2023
125 Views

ISANG Amerikano na wanted umano sa kasong lascivious conduct ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) nang tangkain nitong magpa-extend ng kanyang visa sa Makati City.

Pumunta umano ang 53-anyos na Amerikano sa Makati Extension Office ng BI.

Lumabas umano sa rekord na ang Amerikano mayroong arrest warrant na ipinalabas ng Lapu-Lapu City Family Court ng Seventh Judicial Region noong Nobyembre 9, 2022 kaugnay ng dalawang kaso ng Lascivious Conduct.

“During the evaluation and derogatory check, our BI officers in Makati found out that the accused is included in the BI’s Active Alert List which was issued last February 6,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Ang Amerikano ay nasa pangangalaga na ng Philippine National Police (PNP) Makati Warrant Section.