House Deputy Sinabi ni House Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Congressman Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. na isinulong nila ang RH No. 7 na pinamagatang “A Resolution of Both Houses of Congress Proposing Amendments to Certain Economic Povisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines”.

Liderato ng Kamara hindi nagpapatinag, isinulong ng RBH No. 7

Mar Rodriguez Feb 19, 2024
170 Views

House Deputy House Deputy House DeputyHINDI nagpapatinag ang liderato ng Kamara de Representantes matapos na muli nilang ihit ang pag-aamiyenda sa 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng pagsusulong ng Resolution of Both House (RBH) No. 7.

Sinabi ni House Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Congressman Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. na isinulong nila ang RH No. 7 na pinamagatang “A Resolution of Both Houses of Congress Proposing Amendments to Certain Economic Povisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines”.

Ipinaliwanag ni Gonzales na nilalayon ng RBH No. 7 na amiyendahan ang tatong economic provision ng Konstitusyon partikular na ang Sections 12, 14 at 16. Kung saan, kahalintulad nito ang RBH No. 6 na kasalukuyang tinatalakay ng Senado para amiyendahan ang economic provisions.

Kabilang sa mga kongresista na nagsulong ng RBH No. 7 ay sina House Majority Leader at Zamboanga 2nd Dist. Cong. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Majority Leader at Quezon 2nd Dist. David “Jayjay” C. Suarez bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa Senado na amieyndahan ang Saligang Batas.

Ipinabatid naman ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace “Alas” S. Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang pagsusulong nila ng RBH No. 7 ay upang maalis ang mga agam-agam ng mga senador na nais nilang magpasok ng amiyenda sa political provision.

“Ano ang dapat ikatakot ng mga Senador. Ang aamiyendahan lang naman ay ang economic provisions ng ating Konstitusyon at hindi ang economic provisions. Kaya wala silang dapat na maging agam-agam,” ayon kay Barbers.

Sinabi naman ni Dalipe na ang isa sa mga posibleng gawin nila ay ang mag-convene bilang isang “committee on the whole” ang Senado at ang Kongreso upang mas maging mabilis ngunit “exhaustive” o masinsinan ang gagawing diskusyon sa pag-aamiyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.