Ibay Pinangunahan ni (MPD) Director PBGen. Arnold Thomas Ibay ang pag-inspeksiyon sa Manila North Cemetery kasama ang Station Commander ng Sta. Cruz Police Station 3 na si PLT.Col. Leandro Gutierrez bago pa man dumagsa ang mga dadalaw sa nasabing sementeryo. Kuha ni JONJON C. REYES

Ligtas, maayos at mapayapang Undas 2024 siniguro ng MPD

Jon-jon Reyes Oct 30, 2024
83 Views

Ibay1PINANGUNAHAN ni MPD Director Police Brig.General Arnold Thomas Ibay ang pangangasiwa sa deployment at pag-iikot sa mga sementeryo na nasasakupan ng lungsod ng Maynila kabilang ang Manila North at South Cemetry sa Laloma at Makati,maging ang Chinese Cemetery at Paco Park Cemetery Araw ng Lunes.

Oktubre 27 ng ilatag ang deployment ng may mahigit isang libong kapulisan sa loob at labas ng mga nasabing sementeryo,kabilang ang mga Pantalan, lansangan bago pa man dumagsa ang dadalaw sa nasabing mga nasabing sementeryo.

Naka-antabay naman bilang suporta ang mga pamatay sunog, ambulansiya at maging ang mga E-trike at wheelchair na may libreng sakay para sa mga senior citizen, PWD at mga buntis na dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

Ayon kay PIO Chief PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, mahigpit na ipinababawal ang magpasok ng anumang matutulis at matatalas na bagay sa loob ng sementeryo.

Ipinagbabawal din ang pabango, lighter, baraha,at mga maiingay na bagay tulad ng Karaoke loudspeaker upang hindi maka bulahaw sa ibang mga dadalaw.

Nagtungo rin ang butihing heneral sa Manila South Cemetery kung saan naka-antabay at nagbabantay din ang mga kapulisan ng MPD Stn.6 ng Sta Ana,at MPD Stn.9 ng Malate sa pamumuno nina PLT.Col. Dionelle Brannon at PLT.Col.Nelson Cortez.

Maging ang Chinese at Laloma Cemetery ay pinuntahan ni MPD Chief. Ibay upang tiyakin ang seguridad ng mga Filipino Chinese na dadalaw din sa kanilang mga mahal sa buhay. Naka-alerto din ang grupo nina PLT.Col.Rexon Layug, MPD Station.7 at PLT.Col.Roberto Mupas,ng MPD Station.11.

Nakapwesto ang iba pang mga kapulisan sa Paco Cemetery sa pamumuno ni PLt.Col.Romeo Estabill. Maging ang mga kalapit na barangay nito ay kanilang babantayan laban sa kriminalidad.

Naka-antabay sa mga pantalan sa Delpan Tondo ang MPD PS 12 sa ilalim ni PLt. Col. Chey Chey Saulog,maging sa Baseco Comp. sa Port area sa pangangalaga ni PLt.Col.Mike Gomez ng MPD-PS13.

Ang mga bus terminal sa Sampaoc ay tutukan ng mga awtoridad sa pamumuno ni PLt.Col.Brillante Billaoac.

Sa mga lansangan sa lungsod ng Maynila ay nariyan sina PLt.Col. Alvin Christopher Baybayan ng Moriones Station 2 at PLt.Col.Melvin Florida ng Raxa Bago MPD Station 1 na siyang nakakasakop sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo,..

Nakakalat din ang mga kapulisan ng Pandacan Station 10 sa pamumuno nina PLt.Col.Jason Aguillon at PLt.Col.Maria Agbon ng MPD Sta Mesa Station 8 at PLt.Col.Wilfredo Fabros ng Barbosa ng PS 14 sa kahabaan ng Quirino Nagtahan,RM Blvd sa Sta Mesa at Quezon Blvd sa Quiapo. Katulong sa pagbabantay ang SWAT, Manila District Traffic-TMRU at maging ang mga operatiba mula sa iba’t ibang opisina ng Manila Police District..

Ayon kay General Ibay, maliban sa mga MPD Auxiliary at non-government organizations (NGO’s) na tutulong ng mga kapulisan ng Maynila sa pagbabantay,ay nakakalat ang mahigit sa 1,000 mga kapulisan sa labas at loob ng mga sementeryo na may tamang bihis.

Ito ay upang ipakita nila ang suporta sa programa ni NCRPO Chief PMGen.Sidney Hernia at adbokasiya ni PNP Chief Police General Rommel Franciso Marbil na “Sa Bagong Pilipinas,Ang Gusto ng Pulis Ligtas Ka.”