Calendar
Liloan Children’s Hospital landmark pet project ni Frasco
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ, a๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป’๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ผ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ “๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐ฝ๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐” ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐ถ๐๐ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐ป๐ผ๐ฑ ๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป.
Ayon sa House Deputy Speaker, sa lahat ng kaniyang mga naging proyekto ang Liloan Children’s Hospital umano ang isa sa kaniyang maipagmamalaki dahil sa maraming mga kabataang pasyente ang matutulungan nito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.
Ipinaliwanag din ni Frasco na ang usapin ng kalusugan ang pinakamahalagang matutukan patungkol sa mga proyektong isusulong nito. Aniya, ang kaligtasan ng buhay ng isang indibiduwal ang pinaka-importante sa lahat gaya ng paglalapat ng lunas sa karamdaman ng isang pasyente lalo na kung ito’y isang bata o kaya ay sanggol.
Sabi pa ni Frasco, kaya itinuturing nitong “landmark” ang kaniyang Hospital project ay dahil sa unang pagkakataon ay ngayon pa lamang magkakaroon ng Children’s Hospital sa Liloan, Cebu na hindi exklosibo lamang para mga mamamayan ng nasabing bayan. Bagkos, para sa lahat ng mga Cebuano.
Nauna rito, pinangunahan ng naturang House leader ang ginanap na groundbreaking ceremony para sa ipapatayong Liloan Children’s Hospital na matagal na aniyang inaabangan ng mga residente dito.
Ayon pa kay Frasco, sa pamamagitan ng ipatatayo nitong ospital, inaasahan na magkakaroon ng isang moderno at makabagong pedriatic health care system na malaki ang maitutulong para sa napakaraming kabataang may sakit kabilang na dito ang mga sanggol.
Muling ipinabatid din ng House Deputy Speaker na magkakaroon din ng mga mkabago at modernong equipment ang nasabing ospital kaya hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila ang mga Cebuano para lamang ipaggamot ang mga bata o sanggol na may sakit.
“Ang Liloan Children’s Hospital ang ating landmark pet project dahil napakahalaga nito para sa mga kabataang pasyente. Hindi na sila kailangan pang magpunta ng Manila dahil dito lamang sa Cebu ay mayroon ng Ospital para sa kanila,” sabi pa ni Frasco.