Liza

Liza, enjoy sa Korean TV guesting

Vinia Vivar Jul 28, 2022
247 Views

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood si Liza Soberano sa isang TV show sa South Korea. Naimbitahan ang aktres para mag-guest sa variety show na Not Hocance But Scance ng MBN Entertainment.

Sa video ng show na ini-release ng MBN Entertainment, makikita si Liza na kinakapanayam ng mga hosts na sina Nicole, Kang Ji-young, Ye Ji-won and Soyou over barbecue dinner.

Makikita sa video ang pagdating ni Liza sa show at in-introduce siya ng producer sa mga host na “very popular actress from the Philippines and has 17 million followers on social media.”

Sa nasabing show ay sinabi ni Liza na nasa South Korea siya para maghanap ng trabaho.

“Kinda vacation, kind of work. I’m just exploring. And I’m a huge fan of like, K-pop and K-drama, so I want to like, try to find work here,” sey ni Liza.

Sinabi rin ng aktres sa mga host na napapanood niya ang mga music video ng mga ito kaya tinanong siya ni Soyou kung alam niya ang kanta nito.

“Yeah, Touch My Body. You’re in a lot of K-drama OSTs (original soundtrack),” sabi ni Liza.

Tinanong siya ni Jiwon kung bakit niya gusto ang Korea, at ani Liza, “I don’t know, I’ve liked it since I was 11. It started with K-pop. And then I started watching dramas like Boys Over Flowers and stuff.”

Before the show’s airing ay nag-post din si Liza sa kanyang Instagram Stories ng mga larawan na kuha sa guesting niya and she wrote, “had my first ever Korean show guesting tonight on MBN’s Not Hocance but Scance. Thank you to the host and guests of the show for making the experience fun and memorable!”

PABONGGAHAN NG ATTIRE

Todo-abang na ang fans sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala ngayong Sabado, July 30.

Gaganapin ang malaking event na ito sa Shangri-La The Fort bilang pagdiriwang ng 72nd anniversary ng Kapuso Network.

May temang black and white, old Hollywood glam ang engrandeng pagtitipon kaya naman inaasahang magpapa-bonggahan sa kani-kanilang mga attire ang mga bigating artista ng GMA.

Ang milestone event na ito ay magsisilbi ring fundraising para sa GMA Kapuso Foundation.

May pagkakataon naman ang fans na masaksihan ang espesyal na pagdiriwang dahil magkakaroon ng livestream ang GMA Thanksgiving Gala sa Facebook page at Youtube account ng GMA Network at sa TikTok account ng Sparkle GMA Artist Center.