Sarah

‘ASAP,’ may bonggang pa-welcome at pa-birthday party kay Sarah

Ian F Fariñas Jul 23, 2022
162 Views

Ang pinakahihintay na ASAP comeback ng nag-iisang Popstar Royalty sa bansa na si Sarah Geronimo ay matutunghayan na bukas, Linggo (Hulyo 24), sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Abangan ang bonggang pa-birthday at pagbabalik ni Sarah sa ASAP Natin ‘To, tampok ang kanyang espesyal na solo act na sasabayan ng pa-tribute ng New Gen Birit idols na sina Janine Berdin,

Lara Maigue, Fana, Reiven Umali, Sheena Belarmino at JM Yosures kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Maliban dito, pakatutukan din ang ilang bigating OPM collab, tulad ng bagong pasabog na P-Pop treat mula sa BINI at BGYO at ang senti kantahan nina Yeng Constantino, KZ at Adie.

Maki-party rin sa most played online hits kantahan at hatawan nina Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Belle Mariano, Kyle Echarri, Jeremy G, Krystal Brimner, Jameson Blake, Vivoree Esclito, Jason Dy, Bamboo, Morissette, Manoeuvres Ignite at ng buong ASAP Natin ‘To family kasama sina Robi Domingo, Edward Barber at Donny Pangilinan.

Hahataw naman sa dancefloor ang mainit-init na showdown nina Andrea Brillantes at dance royalty Kim Chiu kasama ang G-Force at Team Rapa.

Todo-bigay din ang Christopher Cross hits kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Jolina Magdangal at Nina.

Huwag ding palampasin ang isa pang bigating musical tribute para kay Lea Salonga mula kina Gary, Martin, Zsa Zsa, Erik at Regine sa “The Greatest Showdown.”

Ito ang bigating comeback party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To, ngayong Linggo, 12 ng tanghali, sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC at worldwide via TFC.

karla estradaKarla, nagpaalam sa ‘Magandang Buhay’

PUNUMPUNO ng pasasalamat si Karla Estrada sa Magandang Buhay at sa kapwa momshies niyang sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa limang taon nilang pagsasama sa farewell episode niya sa programa nitong Biyernes (Hulyo 22).

“Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking Magandang Buhay.

“Thank you Momshie Jols and Momshie Mels dahil sa journey natin na may pare-pareho tayong hinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip niyo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko,” aniya.

Sa umpisa ng programa ay hindi napigilan ng isa sa mga bida sa kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacañang na yakapin nang mahigpit ang dalawa lalo pa at ito rin ang naging reunion nilang tatlo matapos ang isang taon.

Sinabi rin ni Karla sa kanyang Instagram post bago umere ang episode na hindi naging madali ang kanyang desisyon na pag-iwan sa palabas at tahakin ang bagong karera bilang public servant.

“Naging mabigat ang desisyon (pero) mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa,” pagbabahagi niya.

Todo suporta naman sina Jolina at Melai sa bagong karera ni Karla lalo pa at alam nilang iyon ang matagal ng hangarin ng kaibigan.

Ani Jolens, “Very, very happy kami Momshie Karls kasi mula umpisa ito na ’yung ikinuwento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo ’yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo. Isinasabuhay mo ’yung pagtulong. Hindi na ’yun pwede tanggalin sa iyo at hindi na ’yun mananakaw. Very proud kami sa iyo na nagagawa mo ito freely and very happy kami kasi nandito ka na sa mundong gusto mo.”

Dagdag naman ni Melai, “Ito kasi ’yung gusto niya, ’yung makatulong sa iba hindi lang dito sa Magandang Buhay kundi sa labas pa. Kami dito, kaibigan mo kami rito. Kahit ayaw ka namin umalis dito, pero ang hangad mo ’yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo.”

Bago pa man ang maramdamin nilang pamamaalam sa isa’t isa, inalala rin ng tatlo ang mga pinagsamahan nila sa nagdaang mga taon.

Nakasama rin sa programa ang mga anak ni Karla na sina Magui at Carmella Ford at ang malalapit niyang kaibigan na sina Negi at Kaladkaren.

Tulad nina Jolens at Melai, lubos din ang pagpapahayag ng mga anak at kaibigan ni Karla ng kanilang suporta sa bagong tatahakin na kabanata ng Queen Mother.