PNR

Loan agreement para sa Philippine National Railways (PNR) Calamba selyado na

Jun I Legaspi Jun 18, 2022
239 Views

NILAGDAAN na ang loan agreement para sa South Commuter Railway Project (SCRP) o the Philippine National Railways (PNR) Calamba.

Ang $4.3 bilyon na gugugulin sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Duterte administration ay inutang sa Asian Development Bank (ADB).

Ang southern section ng North-South Commuter Railway System (NSCR) ay magmumula sa Blumentritt, Manila hanggang Calamba, Laguna.

Ito ay idurugtong sa PNR Clark Phase 1 at 2.

May haba itong 55.8 kilometro, 18 istasyon, at 24-hektaryang depot. Kaya nitong magsakay ng 600,000 pasahero sa isang araw.