Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Motoring
Grab humirit ng P20 dagdag-pasahe
Peoples Taliba Editor
Jun 19, 2022
701
Views
HUMIHINGI ang Grab Philippines ng P20 dagdag sa base fare upang matulungan umano ang kanilang mga driver-partner sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Ronald Roda, senior director for strategy and operations ng Grab, magsasagawa ng pagdinig ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang petisyon sa Hunyo 29.
Sinabi ni Roda na bumaba ng 10 hanggang 20 porsyento ang kita ng kanilang mga driver-partner dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nasa 10 biyahe umano ang average na ginagawa ng kanilang mga driver-partner at ang P20 dagdag ay mangangahulugan na mayroon silang maiuuwing dagdag na P200 kita.
Ang base fare ng Grab sa kasalukuyan ay P40 hanggang P50 depende sa sasakyan
Proseso ng nasa ‘tempo’ status na TNVS maayos–LTFRB
Oct 18, 2026
LTFRB tinanggihan 2 aplikante ng MTPP
Oct 12, 2026
19 TNCs pinatawag sa di pagtupad sa taas-pasahe
Oct 1, 2026
Dagdag-pasahe sa PUVs, epektibo sa Setyembre 28
Sep 26, 2026

