Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Diokno

Loan deal para sa MRT 3 rehab phase 2 nilagdaan

269 Views

NILAGDAAN ng gobyerno ng Pilipinas at Japan ang isang loan agreement para sa ikalawang yugto ng Metro Rail Transit Line 3 Rehabilitation project.

Sina Finance Secretary Benjamin Diokno at Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative in the Philippines Sakamoto Takema ang pumirma sa kasunduan.

Ayon sa Department of Finance uutang ang bansa ng ¥17.4 bilyon para pondohan ang pagsasaayos ng MRT-3. Ang kasunduan ay inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board noong Pebrero.

Ang utang ay mayroong 0.1% interes kada taon at babayaran sa loob ng 40 taon.