TWG

Substitute Bill para sa revision ng PCG Law of 2009 tinalakay na ng TWG ng Committee on Transportation

Mar Rodriguez Jun 1, 2023
134 Views

TWG1TINALAKAY na ng House Committee on Transportation ang mga nakasalang na “substitute Bill” para sa panukalang revision ng Philippine Coast Guard (PCG) Law of 2009 na pinangasiwaan ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona bilang Vice-Chairman ng nasabing Komite.

Sinimulang talakayin ng Technical Working Group sa ilalim ng Transportation Committee kung saan si Madrona rin ang tumatayong Chairman ng TWG ang mga inihaing substitute Bill upang magkaroon ng isang “harmonized legislation” o consolidation Bill para sa modernisasyon ng PCG.

‘This representation was designated as Chairperson of the Technical Working Group tasked to harmonized the provision of several Bills seeking organizational and other reforms in the Philippine Coast Guard Law. It is my honor to report today to the Mother Committee the output of the TWG on the proposal,” ayon kay Madrona.

Sinabi ni Madrona na layunin ng mga nakasalang na “substitute Bill” ang ma-amiyendahan ang Republic Act No. 9993 o ang PCG Law of 2009 na nakapaloob sa House Bill Nos. 436, 2301, 3215, 4006, 5619 at 6225 na inihain nina Reps. Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, Khymer Olazo ng Zamboanga City, Arnie Fuentebella ng Camarines Sur, Albert Garcia ng Bataan, Michael “Mikee” L. Romero ng 1-PACMAN Party List at Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City.

Ipinaliwanag ni Madrona na noong November 21, 2022 sa pamamagitan ng isinagawang regular meeting ng Transportation Committee. Isinalang ang mga nabanggit na panukalang batas na naglalayong magkaroon ng revision o pag-amiyenda sa PCG law of 2009.

Ipinabatid pa ng Romblon congressman na dahil sa mga isinalang o ni-refer na panukalang batas sa House Committee on Transportation. Nagkaroon aniya ng kauna-unang meeting ang TWG noong March 8, 2023. Kung saan, ito umano ay dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Madrona, sa naging resulta ng kanilang isinagawang meeting sa TWG. Napagkasunduan nila na ihiwalay ang House Bill No. 5619 sa iba pang panukalang batas. Sapagkat ang pangunahing layunin ng panukalang ito na inakda ni Romero ay ang pagpapalakas sa PCG sa pamamagitan ng appropriations. Habang ang iba naman ay nakatutok sa organizational reform ng PCG.

Sinabi pa ni Madrona na mas tinutukan o nag-focus ang diskusyon ng TWG sa PCG Charter habang pinag-aaralan nila ang House Bill No. 5619 ni Romero. Kung saan, ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang naging diskusyon ng TWG na inaprubahan nila ay kahalintulad naman sa naunang meeting nito noong 18th Congress na ginamit nila bilang isang “working draft”.