Bautista

MRT-3 magpapatakbo na ng tren na may 4 bagon

Jun I Legaspi Jun 1, 2023
121 Views

UP ANG mas maraming sabay-sabay na maisakay, nagpapabiyahe na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng mga tren na mayroong apat na bagon.

Naging posible ito matapos ang isinagawang rehabilitasyon sa MRT-3.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, mas maraming pasahero na ang mapagsisilbihan ng ligtas, mabilis, komportable at maaasahang serbisyo ng MRT-3.

Sa ceremonial contract signing para sa MRT-3 rehabilitation and maintenance extension kahapon, sinabi ni Sec. Bautista na maitataas na sa higit kalahating milyon ang maisasakay ng MRT-3, mula sa 350,000 pasahero sa kasalukuyan.

“We also expect Sumitomo to enhance MRT-3’s operational efficiency by using four-car train sets from the existing three-car sets. This will allow more passengers to traverse the length of EDSA, complementing the convenience offered by the EDSA Bus Carousel,” ayon kay Sec. Bautista.

“More passengers will be accommodated by MRT-3, increasing significantly its daily ridership into more than half a million passengers a day,” dagdag ng hepe ng DOTr.

Inanunsyo ito ni Sec. Bautista matapos i-extend ng DOTr ang kontrata ng Sumitomo Corporation bilang rehabilitation and maintenance provider ng MRT-3 hanggang Hulyo 2025.

Kasama sa dagdag na rehabilitation works ang extension ng Taft pocket track upang makapag-accommodate ng four-car trains sa mainline.

Sa kasalukuyan, nagpapatakbo ang MRT-3 ng humigit-kumulang 18 three-car trains, samantalang dalawa hanggang anim naman ang spare trains.

Ang Sumitomo Corporation ang orihinal na designer, builder, at maintenance provider ng MRT-3, na muling kinontrata ng DOTr upang magsaayos ng linya noong 2019. Magtatapos ang kanilang kontrata ngayong Mayo 31.