Suspek

P.2M pekeng yosi nasabat sa dalaga

Steve A. Gosuico Apr 30, 2026
22 Views

GENERAL TINIO, Nueva Ecija–Laglag sa buy-bust ang dalagang grocery store owner matapos mahulihan ng mga pekeng sigarilyo na aabot sa P223,600 noong Miyerkules.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Helen, 46, may-ari ng grocery store sa Brgy. Rizal (Poblacion), San Leonardo, Nueva Ecija.

Hinuli siya matapos ikasa ang buy-bust operation at makapagbenta siya ng isang ream ng RGD Red cigarettes sa isang nagpanggap na pulis-buyer dakong ala-una y media n

Kumpiskado mula sa kanya ang mga kontrabandong sigarilyong 151 rims ng RGD Red, 20 rims ng Far Star King Size Red, 64 rims ng RGD Menthol, 18 rims–Carnival Red, 30 rims–RGD Lights at 60 rims–Golden Leaf cigarettes.

Ayon kay Nueva Ecija top cop Col. Ritchie R. Claravall, walang maipakitang legal na dokumento ang suspek ukol sa kanyang paninda, na nagbigay daan upang arestuhin siya at ikulong samantalang iginagayak ang kasong paglabag sa Republic Act 8424 (Tax Evasion/Illicit Cigarettes) na isasampa sa kanya sa piskalya.

“Walang lugar ang mga ilegal na aktibidad katulad ng bentahan ng pekeng sigarilyo sa Nueva Ecija,” pahayag ni Claravall.”