Calendar
22 suspek laglag, 45 baril nakuha sa 7-araw na kampanya sa Calabarzon


KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Umabot sa 22 indibidwal ang naaresto at 45 na iligal na baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon laban sa loose firearms mula April 20 hanggang April 26, 2026, ayon kay Police Regional Office 4A Director Police Brigadier General Hansel M. Marantan.
Ang operasyon ay bahagi ng pinalakas na kampanya kontra sa ilegal na pagmamay-ari ng baril.
Kabilang dito ang pagsisilbi ng search warrants, checkpoint operations, Oplan Bakal, at pinalawak na police visibility at patrol operations sa mga komunidad.
Ang nasabing tagumpay ay patunay ng dedikasyon at matibay na paninindigan ng mga kapulisan ng PRO CALABARZON sa pangunguna ni PBGen. Marantan, bilang suporta sa focused agenda ng Chief PNP laban sa kriminalidad, partikular sa pagsugpo sa paglaganap ng mga loose firearms.
Pinuri ni PBGen. Marantan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon na nagbunga ng pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakarekober ng mga ilegal na baril.
