PRO

Pagdeploy ng tourist police sa Rizal Mayors League meeting tagumpay

16 Views

PRO1

NAGING matagumpay ang isinagawang deployment ng tourist police sa ginanap na Rizal Mayors League meeting noong April 28, 2026, sa Ynares Hall sa Binangonan, Rizal, sa pangunguna ni Mayor Ma. Elvira Cecille R. Ynares.

Sinabi ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Hansel M. Marantan, na ang inisyatiba ay naglalayong tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga pangunahing destinasyon ng turista sa buong Rizal, na nagbibigay ng karagdagang seguridad para sa parehong mga residente at mga bisita, sa pakikipag-ugnayan sa Rizal Police Provincial Office.

Ayon pa rin kay PBGen. Marantan, ang kahalagahan ng matibay na pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at local government units ay makapaghatid ng mas mahusay at tumutugon na serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng probinsya ng Rizal.