Mister ni Angeline ‘daks’

Vinia Vivar Apr 26, 2024
55 Views

Nakakaaliw at touching ang speech ni Vice Ganda sa kasal ng best friend niyang si Angeline Quinto nitong nakaraang Huwebes, April 25.

Ikinasal si Angeline sa partner niyang si Nonrev Daquina sa Quiapo Church at si Vice ang nagsilbing Man of Honor.

Sa wedding reception na ginanap sa Manila Hotel ay nagbigay ng mahabang speech ang Unkabogable Star para sa bagong kasal.

Ayon kay Vice, higit pa sa magkaibigan ang turingan nila ni Angeline dahil para na niya itong kapatid.

Malalim na ang kanilang pinagsamahan at parang magkadugtong na ang kanilang damdamin.

Ni-recall ni Vice ang moment na first time na dinala ni Angeline sa bahay nila si Nonrev.

“Dinala niya si Nonrev sa bahay namin, tapos hindi pa niya sinasabing dyowa niya. Sabi niya, ‘teh, pupunta ‘ko pero may kasama akong kaibigan, ha?’ Sabi ko, ‘sige, punta ka,’” kwento ni Vice.

Pagdating ni Angeline ay lalaki pala ang kasama nito at sinabi sa kanya na bading si Nonrev.

“Hindi na ako nagpapapunta ng lalaki sa bahay kasi, siyempre, housewife na ako. So, sinabi niya, bakla si Nonrev. Sabi ko, ‘parang ang daming tattoo.’ Tapos, nu’ng kumikilos siya (Nonrev), hindi siya masyadong nagsasalita kasi feeling ko, ayaw niyang magpabuking na lalaki siya,” tsika pa ni Vice.

Pero sinabi rin sa kanya ni Angeline na dyowa niya si Nonrev at lalaki ito.

Hindi siya naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa pero tinanong daw niya si Angeline.

“Ang tanong ko lang sa kanya, ‘panalo ka ba diyan?’ Ta’s sabi niya, ‘panalo naman teh daks naman,’ sabi niyang ganu’n,” pagbubuking ni Vice.

Tawanan ang lahat at nakakatuwa ang reaksyon ni Angeline na sumubsob na lang sa mesa na parang hiyang-hiya.

Tawa rin nang tawa si Vice at sey niya kay Angeline, “Kasi sabi ko sa ‘yo, huwag mo ‘kong kuning Man of Honor.”

Nakakatawa rin ang sumunod na hirit ng Unkabogable Star.

“’Kala mo, natuwa ako sa Man of Honor, pa’no ka magma-man of honor du’n sa Quiapo? Bukod sa ang init na, pinagpapawisan ako dahil hindi ko malaman kung huhusgahan ako ng pari o ano.

“’Di ko malaman kung ako ‘yung babasbasan ng pari o ‘yung pag-iibigan n’yong dalawa,” natatawang sabi ni Vice.

On a serious note, sa huli ay nagpasalamat si Meme Vice kay Nonrev for coming into Angeline’s life.

Bilang mensahe naman niya sa bagong kasal, aniya ay masaya siya para sa dalawa at lagi lang siyang nandito para sa kanila.