Rehas Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan ang suspek na naaresto ng mga pulis sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

Lolo, 54, kulong sa pagpisil, pagkiskis sa wetpaks ng 17-anyos na bebot

Jon-jon Reyes Jun 1, 2025
22 Views

HIMAS-rehas ngayon ang 54-anyos na lalaki matapos maaresto dahil sa panggigigil, pagpisil ng puwet at pagkiskis ng kanyang ari sa 17-anyos na estudyante sa Tondo, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si alyas Jerry na isinumbong ng biktimang si alyas Anne sa tulong ng kanyang guardian na si Lorrie Ann, 32.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Melinda Baloc ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa San Ildefonso St., Tondo.

Pumunta ang dalagita sa tindahan para bumili ng gatas nang dumaan ang suspek na inakalang tatawid lamang. Laking gulat ng dalaga ng pisilin ng suspek ang puwet niya.

Hindi pa nakuntento ang suspek at ikiniskis pa ang ari niya sa puwet ng dalagita.

Hindi pinalagpas ng estudyante ang ginawa ng suspek kaya nagsumbong sila sa mga tauhan ng Asuncion Police Community Precinct na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nahaharap sa kasong act of lasciviousness ang suspek.