Dapat ang bf may stable income
May 5, 2025
Skype shuts down after 2 decades
May 5, 2025
Presyo ng gas, krudo magmumura sa Mayo 6
May 5, 2025
Calendar

Provincial
Lolo, 84, di nakalabas sa nasusunog na bahay, patay
Jojo Cesar Magsombol
Sep 22, 2024
246
Views
NASUNOG ng buhay ang 84-anyos na lolo nang hindi makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa 202 Sitio San Antonio de Padua, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal noong Biyernes.
Nakipagtulungan ang mga residente sa mga firefighters na tumugon. Nang ideklarang fire out, nakita ang sunog na katawan ng lolo na nakahandusay sa sahig sa kusina ng nasunog na bahay.
Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-Antipolo City, bandang alas-3:55 ng umaga nakatanggap sila ng tawag hinggil sa sunog.
Nagtulungan ang mga firefighters sa pag-apula sa apoy at para maiwasan ang pagkalat sa mga katabing istruktura.
Idineklarang fire out ang sunog bandang alas-5:40 ng umaga ni SF01 Jay Ar Viduya, OIC ng Bureau of Fire Protection-Antipolo City.
Kasong DQ vs 2 kandidato sa Laguna inatras
May 5, 2025
Babae na,trap, nasunog ng buhay sa loob ng bahay
May 5, 2025
Patay, may tama ng bala natagpuan sa tricycle
May 5, 2025
Comelec hinilig na i-DQ kandidato sa Benguet
May 4, 2025
GenTri campaign rally dinagsa
May 4, 2025